Manila, Philippines – Siniguro ng pamunuan ng bagong talagang AFP Chief of Staff Lt. General Benjamin Madrigal na ipagpapatuloy nya lamang ang mga programa ng Armed Forces of the Philippines.
Pero kailangan aniya ng buong suporta ng mga stakeholders at mga local govt units para tuloy tuloy na maisagawa ang mga programa at proyekto ng AFP.
Isa aniya sa pagtutuunan nila ng pansin ay ang paglaban sa teroristang New People’s Army.
Tinututukan na aniya nila ang mga stratehiya para maibigay ang mga pangangailan sa mga conflict areas.
Samantala, isang malaking karangalan naman raw para kay Lt. Madrigal na italaga siya bilang bagong AFP Chief of staff.
Nagpasalamat ito sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Pangulo at pageendorso ng AFP board of generals.
Si Madrigal ang kasalukuyang Commander ng Eastern Mindanao Command na naka-base sa Davao.