Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde na itataguyod ng PNP Ang karapatang pantao sa panibagong isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.
Sa isang statement sinabi ni PNP Chief na dahil sa extension ay makaaasa Ang mga taga-Mindanao ng magpapatuloy ang kapayapaan at mahigpit na seguridad.
Ito ay sa gitna ng banta ng karahasan mula sa mga terorista at komunista.
Kaakibat aniya nito Ang striktong pag-obserba sa police operational procedures at pag-galang sa karapatang pantao.
Samantala, Nagpahayag naman ng kasiyahan ang AFP sa pag-apruba ng joint session ng kongresso sa panibagong isang taong extension.
Sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo na ang hakbang ay nag-atang sa AFP ng malaking responsibilidad.
Ito ay ang tapusin na ang rebelyon sa mindanao, at pigilan ang pagkalat ng lawless violence sa iba’t ibang bahagi ng bansa.