Manila, Philippines – Nilinaw ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na walang balak ang Kongreso na isingit bukas sa joint session ng Kamara at Senado ang usapin sa charter change.
Iginiit ni Arroyo na ang tanging pag-uusapan at pagdedebatehan bukas ay ang pagpapalawig lamang sa batas-militar sa Mindanao at suspensyon ng writ of habeas corpus at wala ng iba.
Paglilinaw pa ng Speaker, kung may makuhang 3/4 na boto ngayong araw ay pagbobotohan na nila para sa huling pagbasa ang draft ng federal constitution.
Gayunman, marami anya ang nagpasabi na magtutungo sa seremonya sa pagsasauli ng Balangiga bells kaya ang mga ito ay mamarkahan naman na present dahil nasa official bussines ang mga ito.
Kukunin pa rin ang boto ng mga ito para sa pagpapalit ng saligang batas na nauna nang pumasa sa second reading ng Kamara noong nakalipas na Linggo.