SINIGURO | War on Drugs, hindi na ulit masisingitan ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga

Manila, Philippines – Siniguro ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na wala nang mga pulis na sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang mapapasama sa anti-illegal drugs unit.

Ito ay matapos na sa ikatlong pagkakataon naibalik sa kanila ang pagsasagawa ng war on drugs matapos itong ipag-utos ng Pangulo.

Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon kumukuha siya ng impormasyon sa mga field commanders upang masigurong magiging malinis sa katiwalian ang mga anti-illegal drugs operation at mas mapaganda pa ang kampanya.


Sa ngayon, pinag-aaralan na aniya nila ang itatawag sa third version ng war on drugs.

At habang wala pang napagde-desisyunan kaugnay dito ay mananatiling double barrel reloaded at oplan tokhang ang tawag sa third version ng anti-illegal drugs campaign ng PNP.

Facebook Comments