Sinimulan na ang imbestigasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Surigao City sa iba’t ibang isyu sa Surigao State College of Technology

Sinimulan na ang imbestigasyon ng Sangguniang Panlungsod ng Surigao City sa iba’t ibang isyu sa Surigao State College of Technology. Ayon kay City Councilor Fernando Almeda III, ang Chairman sa Committee on Education pinatawag na nila ang 7 mga estudyante na kabilang sa 11 na nagka-Incomplete Grade o INC sa drafting at Architecture ilalim sa klase ng gurong tinukoy na si Lope Codilla. Sa pagbibigay statement ng isa sa mga estudyante na si Kimjames Lercana pinabulaanan nitong pinabili sila ng CPU at nagbigay ng P1,500 bawat isa, diumano’y kusang loob at donasyon ang kanilang ginawa nang may magamit sila sa kanilang project gaya ng autocad. Tinanong ang mga estudyante isa-isa kung bakit sumama pa ang gurong si Codilla sa pagbili ng CPU at kung kanino nakapangalan ang resibo. Inihayag naman ni Vice Mayor Alfonso Casurra, susunod na ipapatawag sa SP ang mga opisyal ng SSCT sa pangunguna ng Presidente na si Gregorio Gamboa Jr nang masagot ang mga isyu at kung anong aksiyon ang ginawa ng pamunuan matapos lumabas ang mga alegasyon.

Facebook Comments