SINIMULAN NA | Rutang Sangandaan – FTI, Taguig ng PNR, umarangkada na!

Nagsimula nang bumiyahe ang rutang Sangandaan, Caloocan – FTI, Taguig ng Philippine National Railway (PNR).

Ayon kay PNR acting Operations Manager Joseline Geronimo, ang pagbuhay sa ruta ay dahil na rin sa hiling ng marami nilang pasahero.

Apat na tren ng PNR ang itinalaga para sa nasabing ruta kung saan umaalis sa Sangandaan station ang tren sa mga oras na 5:00 am, 7:00am, 3:00pm at 5:00pm.


Kung manggagaling naman sa FTI station, alas 6:00 ng umaga ang first trip na susundan ng 8:00am, 4:00pm at 8:00pm.

Base sa record ng PNR, taong 1998 pa nang huling tumakbo ang mga tren sa nasabing ruta.

Sa ngayon, inaayos na rin ng PNR ang mga riles nito para paabutin hanggang Malabon ang kanilang biyahe.

Facebook Comments