SINIRA | Higit kalahating milyong pisong iligal na droga, winasak ng PDEA sa Malabon

Manila, Philippines – Mahigit sa 563 milyong piso ang halaga ng illegal drugs ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Maysilo, Malabon City.

Sa pamamagitan ng thermal decomposition, winasak ang daan daang libong gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, cocaine, marijuana, ecstasy, ephedrine, nitrazepham at mga expired na gamot.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ginawa ang destruction ng illegal drugs matapos gamiting ebidensiya sa korte at dahil sa mabilis na prosekusyon ng iba’t ibang regional trial courts na dumidinig sa mga drug cases.


Ang pagsira sa illegal drugs ay pangatlo na mula nang maupo bilang pinuno ng pdea si Police General Aaron Aquino noong Setyembre 12, 2017.

Una ay ginawa noong Oktubre 12, 2017 kung saan mahigit 10 milyong pisong halaga ng controlled precursors and essential chemicals at laboratory equipment ang winasak at ang pangalawang destruction ay noong Nobyembre 2017 na umaabot sa higit 6 na bilyong pisong halaga ng mapanganib na droga ang winasak.

Ang pagsira sa illegal drugs ay alinsunod sa umiiral na Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 at Dangerous Drugs Board Regulation no. 1.

Facebook Comments