Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 3 billion piso ang halaga ng mga pekeng produkto ang sinira ng Bureau of Customs bilang bahagi ng kanilang kampaniya kontra sa mga smuggled at fake products.
Kabilang sa mga pekeng produkto na winasak, ang mga lotions, pabango, shampoo, make-up, lipstick, at isang labeling machine ng mga kilalang brand.
(Gio Armani, Dior, Olay, Nivea, Cetaphil)
Ang mga pekeng produktong ito ay una nang naharang sa mga warehouse raid na isinagawa sa Maynila noong Nobyembre 2017.
Habang ang iba naman ay naharang sa Port of Manila noong buwan ng Pebrero at Hunyo.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kailangang wasakin ang mga produktong ito, dahil bukod sa peke ay hindi nakakatiyak kung ligtas ba itong gamitin ng publiko, lalo’t hindi nakasisiguro sa kemikal na ginamit sa paggawa ng mga ito.