SINISIGURO | Palasyo, nilinaw na hindi inaantala ang sertipikasyon ng BBL

Manila, Philippines – Sinisiguro lamang ng Office of the President na walang pagkakaiba ang pinal na bersyon ng Senado at Kamara sa isinusulong nitong Bangsamoro Basic Law.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, kasunod ng panawagan ng mga mambabatas sa Pangulo na sertipikahan na nito ang BBL bilang urgent, upang mapabilis ang pagpapasa nito bilang isang ganap na batas.

Paglilinaw ni Roque, inantay pa kasi ang bersyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso kaya’t hindi nasertipikahan ng Pangulo ang BBL noong July 2017.


Sa oras na matiyak ng Pangulo na tugma ang nilalaman ng dalawang bersyon ng BBL, ay mas mapapabilis ang proseso nito.

At matapos na masertipikahan ito ay posible na ring maaprubahan sa ikalawa at ikatlong pagbasa.

Matatandaan na minamadali na ng Kongreso ang pagpapasa sa BBL upang ma-meet ang deadline na itinakda ng Pangulo, bago ang ikatlo nitong State of the Nation Address sa Hulyo.

Facebook Comments