Lanao del Sur – Patuloy ang ginagawang beripikasyon ng Armed Forces of the Philippines upang makupirma ang pagkasawi ng Maute ISIS group lider na si Owayda Benito Marohombsar alias Abu Dar at apat nitong miyembro.
Kasunod ito nang isinagawang air strike ng militar at sagupaan sa pagitan ng Maute ISIS terrorist group at militar sa Tubaran Lanao del Sur.
Ayon kay AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, Patuloy na kumakalap ng impormasyon ang tropa ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Amry sa Tubaran Lanao Del Sur upang makumpirma ang mga indikasyon sa pagkamatay ng limang terorista.
Bukod dito nakatutok rin ang militar sa pagbabantay sa mga pamilyang naapektuhan ng gulo na ngayon ay umaabot na sa 255 pamilyang ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Sur.
57 pamilya rito ay nanatili ngayon sa evacuation centers.
Panawagan naman ni Arevalo sa publiko na manatiling kalma dahil kontrolado ng militar sa lugar ang mga kaganapan sa Lanao del Sur ngayon.