Menor de Edad sa Cauayan City, Arestado sa Pagbenta ng Marijuana!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naaresto ang isang menor de edad matapos na maaktuhang nagbenta ng marijuana kagabi sa Barangay District 1, Cauayan City.

Ang suspek na itinago sa pangalang Jojo ay labin limang taong gulang, grade 8 sa isang paaralan at residente ng Barangay District 3, Cauayan City.

Sa buy bust operation na isinagawa ng PNP Cauayan at PDEA ay nakuha sa kinse anyos na suspek ang isang pakete ng marijuana at limang daang piso na marked money.


Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek na nasa kustodiya ng PNP Cauayan at inaasahang ipapasakay sa DSWD.

Facebook Comments