SINITA | Pondo para sa kontrobersyal na Dengvaxia at Barangay Health Stations Project, sabay na inilabas

Manila, Philippines – Sinita ng mga Senador ang magkasabay na pagpapalabas ng Special Allotment Release Order o SARO para mapondohan ang kotnrobersyal na dengvaxia at Barangay Health Station.

Sa pagdinig ng Committee on Health na pinamumunuan ni Senator JV Ejercito ay nabatid na parehong December 29, 2015 inilabas ang SARO na may magkasunod na numero para sa nabanggit na Mga proyekto.

Naging malinaw din na kinuha ang pondo sa 2015 Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF na nakalaan pangsweldo sa mga empleyado ng pamahalaan.


Ayon kina Senators Ejercito at Win Gatchalian, delikado ang nakagawian ng nakaraang administrasyon na ginagamit sa ibang bagay o proyekto ang MPBF na may partikular ng pinaglaanan ng kongreso.

Nasa 8.1 billion pesos ang pondong inilaan para sa pagtatayo ng 5,700 school-based barangay health stations.

Pero lumalabas na 270 lang ang naitayo ng kontrator na J-Bros Construction.

Facebook Comments