Inaasahan na sa mga susunod na araw, mag-a-apply na ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas ang Chinese pharmaceutical companies na Sinopharm at Sinovac para sa paggamit ng kanilang COVID-19 vaccine sa bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Santa Romana, ang Embahada ng Pilipinas sa Tsina ay puspusan na ang papakikipag-ugnayan sa dalawang kompaniya upang mamagitan sa kanila at sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Binigyan-diin naman ng ambassador na Hulyo pa lamang ay ginagawamit na ang mga bakunang ito sa China, kung saan nasa higit isang milyong Chinese na ang naturukan nito.
Kabilang dito ang mga Chinese na nagtutungo sa ibang bansa, mga businessmen, mag-aaral, frontliners at mga sundalo.
Facebook Comments