One Stop Shop para sa renewal ng business permit, inilunsad ng Manila City Gov’t

Simula kahapon ay binuksan ng pamahalaang lokal ng Maynila ang One Stop Shop sa 4th floor level ng SM Manila para sa renewal of business permits.

Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Habang bukas naman ito mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon tuwing Sabado at Linggo.


Ayon kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, dinagsa ang unang araw ng One Stop Shop.

Hinihikayat naman ni Facundo ang mga negosyante na gamitin ang Go Manila App sa pag-renew ng kanilang mga business permits para higit nilang maproteksyunan ang sarili laban sa COVID-19.

Binanggit ni Facundo na sa ngayon ay umaabot na sa 57,000 ang mga negosyante sa Maynila na nakapag-renew na ng business permit.

May 10 porsyentong diskwento naman na ipinagkakaloob ang Manila City Government sa lahat ng magre-renew ng business permit hanggang January 20, 2021.

Facebook Comments