Sinopharm COVID-19 vaccines, inaprubahan ng WHO

Inaprubahan ng World Health Organization (WHO) para sa emergency use ang Sinopharm COVID-19 vaccines.

Nabatid na una nang nabigyan ng emergency use listing ang mga bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson & Johnson at AstraZeneca.

Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang Sinopharm ang ika-anim na bakuna na nakatanggap ng WHO validation para sa safety, efficacy, at quality.


Inirerekomenda nila ang bakuna sa 18-anyos pataas na may two-dose schedule.

Sa ilalim ng emergency use listing, napapabilis ang pag-aangkat ng mga bakuna lalo na sa mga bansang walang international-standard regulator.

Ang Sinopharm vaccine ay ginagamit na sa 42 bansa sa mundo.

Facebook Comments