Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi lusot sa proseso ng Pilipinas para payagang magamit ang Sinopharm.
Ito ay kahit pa naisama na ito sa EU o Emergency Use list ng World Health Organization (WHO).
Bunga nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring magsumite ng dokumento ng Sinopharm sa Food and Drug Administration (FDA).
Gayunman, sinabi ni Vergeire na may ibang proseso na puwedeng gawin kung hindi kaagad magsusumite ang Sinopharm ng mga dokumento para mapag-aralan ng FDA.
Maaari din aniyang ang gobyerno na ang maghain ng aplikasyon sa FDA para sa Sinopharm at mabigyan ng EUA.
Facebook Comments