Sinovac, kailangan pa rin ng booster shot ayon sa isang eksperto

Naniniwala si dating US Food and Drug Administration Associate Commissioner Peter Pitts na kailangan pa rin ng booster shots ng Chinese COVID-19 vaccine na Sinovac.

Ayon kay Pitts, kung ang Moderna, Johnson & Johnson at Pfizer na may mataas na efficacy rate ay mayroong booster shot, kailangan din ito ng sinovac.

Nitong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng Amerika na bibigyan ng booster shots ang kanilang mga residente na tumanggap ng Sinovac pagdating ng Setyembre 20.


Sa Pilipinas ay wala pa ring malinaw na desisyon kung matuturukan ng booster shots ang mga Pilipino.

Facebook Comments