Tiwala ang isang infectious disease expert na nagbibigay pa rin ng proteksyon laban sa mas nakakahawang Delta variant ang Sinovac COVID-19 vaccine.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, ang mga taong nabakunahan na ay mayroong proteksyon laban sa COVID-19 variants.
Aniya, naiiwasan nito ang severity o paglala ng sakit.
“I would still stay that Sinovac can still be effective against the Delta variant, even if you say you have 50 or 65 percent protection, then that’s still better than not getting the vaccine,” ani Solante.
Matatandaang iniulat ng Department of Health (DOH) ang 12 bagong kaso ng Delta variant at lahat ito ay ikinokonsiderang local cases.
Sa kabuoan, aabot na sa 47 ang total Delta variant cases sa bansa.
Facebook Comments