Sinovac, nanindigang epektibo ang kanilang bakuna

Nanindigan ang Chinese biopharmaceutical company na Sinovac na epektibo ang kanilang bakuna.

Ayon kay Sinovac General Manager Helen Yang, ang 50.4 percent na efficacy ng bakuna nila ay base sa isinagawang clinical trial sa Brazil kung saan mga frontliners mismo ang participants.

Pero lumalabas na mas mataas ang efficacy rate nito sa pangkalahatang populasyon.


Sabi pa ni Yang, subok na ang teknolohiya na ginamit sa pagbuo ng kanilang bakuna dahil gumagamit ito ng inactivated vaccine na parehas sa bakuna kontra flu at polio.

Sa katunayan aniya mahigit 1 milyon dose na ng Sinovac ang nagamit sa China na gagamitin rin sa Indonesia at Turkey.

Patuloy rin daw ang kanilang clinical trial sa ibang bansa.

Para naman sa Pilipinas, siniguro ni Yang na abot-kaya ang presyo ng Sinovac vaccine na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Facebook Comments