Sinovac, napipigilan ang COVID-19 hospitalizations at deaths – FDA

Napipigilan ng Sinovac COVID-19 vaccine ang pagkakaospital at kamatayan ng ilang pasyente sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) sa harap ng ulat na higit 300 health workers sa Indonesia na kahit nabakunahan ng CoronaVac ay naospital o namatay pa rin sa sakit.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, lumalabas sa kanilang monitoring ng mga isinasagawang vaccinations sa Pilipinas, nagkakaroon lamang ang mga pasyente ng mild symptoms ng COVID-19 matapos maturukan ng Sinovac vaccine.


“‘Yung first dose at second dose talagang prone pa, pwede pang magka-COVID, kasi di naman 100% protection at that time. Mayroon pa rin nagkakaroon ng severe COVID,” sabi ni Domingo.

“Pero nakita rin natin na kapag umabot ka na ng 14 days after the second dose kahit mayroong konting nagkakaroon ng COVID, mga mild cases na lang, wala na na-o-ospital, wala nang namamatay,” dagdag ni Domingo.

Una nang tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang mga bakunang available sa Pilipinas ay epektibo laban sa COVID-19.

Facebook Comments