Sinovac, pwedeng ibigay na substitute vaccine kay Pangulong Duterte – vaccine expert

Posibleng magkaibang bakuna ang iturok kay Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi mabibigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinopharm.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante ng Vaccine Expert Panel (VEP), posibleng magkahawig ang ginamit na platform sa paggawa ng Sinovac at Sinopharm na parehong gawa ng China.

Aniya, kaya hindi pa nabibigyan ng EUA ang Sinopharm ay dahil wala pa itong binibigay na dokumento sa VEP kaya hindi nila ito mapag-aralan.


Una nang binigyan ng EUA ang Sinovac habang Compassionate Special Permit (CSP) lamang ang Sinopharm na itinurok sa Pangulo.

Facebook Comments