Sinovac, tiniyak na walang seryosong side effect ang kanilang bakuna

Tiniyak ng Chinese Biopharmaceutical Company na Sinovac Biotech na walang seryosong side effect ang kanilang Coronavirus Vaccine.

Ayon kay Sinovac Biotech General Manager Helen Yang, subok na ang teknolohiya na ginamit sa pagbuo ng kanilang bakuna dahil gumagamit ito ng inactivated vaccine na parehas sa bakuna kontra flu at polio.

Aniya, aabot lang sa 20 percent ng mga nabigyan ng Sinovac ang nakaranas ng side effect sa Phase 3 clinical trials.


Paliwanag ni Yang, normal na makaramdam ng side effect ang mga indibidwal na tinuturukan ng mga bagong bakuna.

Batay sa pagsasagawa ng late-stage trial sa Brazil, lumabas na 50.4 ang efficacy ng Sinovac.

Una nang nagpasa ang Sinovac ng Emergency Use Authorization (EUA) application sa Food and Drug Administration (FDA) para magamit ito sa bansa.

Facebook Comments