Sinovac vaccine na binili ng pamahalaan, inaasahang darating sa bansa sa huling bahagi ng Marso

Inasahang bago matapos ang buwan ng Marso ay makakarating sa bansa ang binili ng gobyerno na 1.5 million na doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese firm na Sinovac.

Sinabi ito ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara sa pagtalakay sa plenaryo ng Senado ukol sa panukalang COVID-19 Vaccination Program Act.

Binanggit din ni Angara na dalawang linggo mula ngayon ay malalagdaan ang kasunduan ng gobyerno sa Sinovac at kasunod niyan ang delivery ng bakuna.


Bukod pa ito sa 600,000 na Sinovac vaccine na donasyon ng China na inaasahang darating sa bansa ngayong linggo.

Ang nabanggit na impormasyon ay ibinahagi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr sa Senado habang tinatalakay ang panukala.

Facebook Comments