Sinovac vaccines, dumating na rin sa Sta. Ana Hospital sa Maynila

Dumating na rin sa Maynila ang unang batch ng Sinovac vaccines mula sa storage facility ng Department of Health sa Marikina city.

Kabilang sa mga tumanggap sa 3,000 doses ng bakuna sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Inilagay ang mga bakuna sa Sta. Ana Hospital para sa paunang 1,500 medical frontliners ng lungsod.


Ayon sa Manila PIO, alas-sais ng umaga bukas, sisimulan ang pagbabakuna sa anim na government hospitals sa Maynila.

200 na health workers ng Maynila ang unang isasalang sa pagbabakuna bukas.

Kinumpirma naman ni Moreno na dumami na ang health workers ng Maynila na nakumbinseng magpabakuna.

Samantala, matapos mapabilang sa mga naunang sumailalim sa COVID vaccination kanina, hinimok ni Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang mga Pilipino na magtiwala sa siyensya at magdesisyon na rin na magpabakuna.

Facebook Comments