Sinovac vaccines, gagamitin lamang sa “specific sector” para sa clinical trials nito sa Pilipinas – DOH

Isasalang sa ‘specific sector’ ang COVID-19 vaccines na gawa ng Chinese firm na Sinovac Biotech sa pagsasagawa nito ng clinical trials sa Pilipinas.

Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trial application ng Sinovac.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Phase 3 clinical trials ng Sinovac ay itutuloy kahit nakakuha na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.


Hindi masabi ni Vergeire kung anong ‘specific population’ gagamitin ang bakuna dahil ang protocol na ito ay sa Department of Science and Technology (DOST).

Maliban sa Sinovac, inaprubahan din ng FDA ang pagsasagawa ng clinical trials ng Clover Pharmaceuticals ng China at Janssen Pharmaceuticals ng Belgium.

Samantala, hinihintay na lamang ang anunsyo ng World Health Organization kung kailan magsisimula ang Solidarity Trial for Vaccines.

Facebook Comments