SINUGOD | Dagdag presyo ng tubig ng Maynilad at Manila Water, sinalubong ng kilos protesta

Manila, Philippines – Sumugod sa harap ng tanggapan ng Manila Water Sewerage System sa Balara, Quezon City ang grupo ng Anakpawis Party-list upang iprotesta ang pagpayag ng MWSS Board na makapagtaas ng singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Raphael Pallanan, Anakpawis partylist Chairperson, pinayagan ng MWSS ang Maynilad na mag rebase ng kanilang service fee ng P5.73 per cubic meter habang ang Manila Water ay magdadagdag ng P6.22 hanggang P6.55 cum.

Ang nasabing dagdag presyo ay ipapasa sa mga consumers simula October 2018 hanggang January 2022 Pero, hindi naman ito ipapatupad sa 2019.


Para sa October, ang Maynilad ay magpapatupad ng P0.90 na increase habang ang Manila Water ay P1.46.

Hinikayat ng grupo ang publiko na sumama sa pagkondena nasabing water hike na magdudulot ng panibagong pasanin sa mamamayan na hindi na makaagapay sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin at ibang serbisyo.

Facebook Comments