SINUNOG | DepEd pinagpapaliwanag ang Bicol Central Academy dahil sa panununog ng gamit ng mga estudyante

Kasunod ng viral na video nang panununog ng mga gamit ng mga estudyante.

Agad na pinagpapaliwanag ng Department of Education (DepEd) ang pamunuan ng Bicol Central Academy.

Sa viral na video makikitang sinunog ng pamunuan ng nasabing paaralan ang cellphones, laptop at iba pang personal na gamit ng mga estudyante makaraang mainis sa mga bata dahil sa pagdadala ng malalaking bag at backpack.


Base sa video na pinost ng isang alumnus ng paaralan, nilabag ng mga senior high school students ang “no bag policy” ng paaralan.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla binigyan ng 3 araw ang pamunuan ng Bicol Central Academy upang magpaliwanag.

Pagkatapos nito magkakaroon aniya ng fact finding hinggil sa naturang insidente.

Sinabi pa ni Sevilla sa oras na mapatunayan nilang may nilabag ang paaralan sa technical at administrative guidelines ng DepEd posibleng humantong sa revocation ng license to operate ng paaralan.

Facebook Comments