Manila, Philippines – Lumagda ng magkahiwalay na manifesto ang nasa 24 na opisyal at mga empleyado ng Bureau of Customs upang ipahayag kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang kanilang suporta sa gitna ng usapin ng magnetic lifters na natagpuan sa Cavite, na di umano ay mayroong lamang iligal na droga.
Sa nilagdaang manifesto, nakasaad dito ang paghanga nila kay Lapeña sa panantili nitong matatag sa kabila ng mga isyu na ibinabato sakaniya.
Aniya, maayos ang pamamalakad ni Lapeña sa BOC dahil sa pamumuno ni Lapeña, naaabot na ng Customs ang kanilang monthly target collection.
Nakasaad din dito na sa naging pamumuno ni Lapeña sa BOC, sila mismo ang testigo sa working ethics at paninindigan nito. Kung saan ang karakter at integridad ni Lapeña ay hindi anila maaaring kuwesyunin at pagudahan.
Sa huli, binanggit ng mga ito na kaisa sila ni Lapeña sa mga ipinatutupad nitong programa, at maging ang layunin nitong ayusin ang sistema sa Bureau of Customs.