SINUPORTAHAN | Mga taga suporta ni Senador Trillanes, dumagsa para makiisa sa banal na misa sa labas ng kanyang opisina

137

Manila, Philippines – Bumuhos ang taga suporta ni Senador Antonio Trillanes IV upang makiisa sa banal na misa at maliwanagan ang mga opisyal ng gobyerno tungkol sa kanilang ginagawa sa Senador.

Galing pa sa iba’t ibang lugar sumugod sa Senado ang mga tagasuporta ni Trillanes upang ipakita ang kanilang mainit na suporta sa Senador.

Naniniwala ang mga taga suporta ni Trillanes na pinipersonal siya ni pangulong Duterte dahil kilala ang Senador na kritiko ng pangulo.

Ayon kay Fr. Robert Reyes patuloy na pananakot ng Duterte Administration na ang mensahe ay patatahimikin ang lahat ng mga kritiko ni pangulong Duterte.

Umapila si Fr. Reyes sa lahat ng mga hindi natatakot sa katotohanan na dapat ay lumabas na at suportahan si Senador Trillanes sa kanyang ipinaglalaban.

Facebook Comments