Manila, Philippines – Suportado ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng Suggested Retail Price o SRP program para sa local at imported rice sa buong bansa.
Bunsod nito ay iginiit ni Gatchalian na dapat lang maparusahan ang sinumang negosyante at nagtitinda ng bigas na hindi susunod sa itinakdang SRP ng pamahalaan.
Diin ni Gatchalian, kailangang mapanagot ang mga taong sinasamantala ang kakulangan sa bigas upang kumita.
Ayon kay Gatchalian, ang mga mapagsamantala ang dahilan kaya lalong naghihirap ang mga kababayan nating mahihirap.
Facebook Comments