SINUSPINDE | Mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng executive department, walang pasok sa January 2

Manila, Philippines – Ngayon palang ay sinuspinde na ng Palasyo ng Malacañang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa ilalim ng executive department sa January 2 aa susunod na taon.

Base sa memorandum circular number 54 na inilabas ng Malacanang ay binibigyan ang mga empleyado ng Pamahalaan na ipagdiwang ng mas mahaba ang holiday season.

Kabilang sa mga walang pasok ay ang mga kagawaran ng pamahalaan, government owned and controlled corporations, state universities and colleges, local government units at iba pang government instrumentalities.


Hindi naman kabilang sa mga walang pasok ang mga tanggapan ng pamahalaan na may kinalaman sa basic services, health services, disaster at relief response at iba pang mahalagang tanggapan na may kinalaman sa pagbibigay ng kinakailangang serbisyo sa mamamayan.

Ipinaubaya naman ng malacanang sa iba pang sangay ng Pamahalaan ang suspensyon ng trabaho sa ilalim ng kanilang nasasakupan at bahala narin ang pribadong sektor kung susunod sa hakbang ng Malacañang.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nasabing Memorandum ngayong araw.

Facebook Comments