Sinuspinde ng BI ang pag iisyu ng VUA sa harap ng bantang pag-kalat ng  Novel Coronavirus

Ang Visa Upon Arrival (VUA) facility ay karaniwang ginagamit ng Chinese tour groups na bumibisita sa Pilipinas.

Una na ring nagpatupad ng kahalintulad na hakbangin ang Taiwan Immigration authorities, kung saan kinansela ang permits sa 24 tour groups mula sa Wuhan, China.

Nilinaw naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi ito nangangahulugan na bawal pumasok ng Pilipinas ang Chinese nationals.


Aniya, ang Department of Foreign Affairs (DFA) o Office of the President, base sa abiso Department of Health (DOH) ang maari lamang na magpalabas ng kahalintulad na direktiba.

Una nang sinuspinde ng Civil Aeronautics Board ang direct flights mula Wuhan province sa China.

Facebook Comments