SINUSUBUKAN LANG? | Paghamon ni PRRD sa Magdalo at military, pagpapakita lang ng tiwala sa AFP – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Ipinaliwanag ng Palasyo ng MalacaƱang ang konteksto ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinikayat nito ang mga sundalo na magaklas laban sa kanya at patalsikin na siya sa posisyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sinabi ito ni Pangulong Duterte upang ipakita ang kanynag tiwala na walang suporta na makukuha ang Magdalo group mula sa mga miyembro ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Sinabi ni Roque, gustong ipakita dito ni Pangulong Duterte na hindi magtatagumpay ang mga taga oposisyon na patalsikin siya sa posisyon.


Malaki kasi aniya ang tiwala ni Pangulong Duterte na walang makukuhang suporta ang mga taga oposisyon mula sa militar kaya malakas ang loob ng Pangulo na hamunin ang mga ito.

Facebook Comments