Manila, Philippines – Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group na simulan at magsagawa ng uprising o ng kudeta para mapatalsik siya sa kanyang posisyon bilang Pangulo ng bansa.
Sa Interview ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo ay sinabi ng Pangulo na kung hindi nagugustuhan ng mga miyembro ng sandatahang lakas ng Pilipians ang kanyang pamumuno bilang kanilang Commander in Chief ay malaya naman ang mga ito na paalisin siya sa posisyon.
Kaya hinamon ng Pangulo ang Magdalo na magaklas na para ipakita sa taumbayan kung ano ang gusto nila.
Pero binanggit din naman ni Pangulong Duterte ang mga nagawa niyang tulong sa Armed Forces of the Philippines tulad narin ng pagtataas ng sweldo ng mga ito at ang pagbibigay ng sidearm o ng Glock nab aril sa mga ito dahil wala aniyang secondary firearm ang mga sundalo kapag sumusugod sa kaguluhan.
Matatandaan na bukod sab aril at sweldo ay maraming beses narin ipinakita ni Pangulong Duterte ang kanyang suporta sa AFP at ilan lamang sa patunay dito ay ang kanyang pagbibigay ng pondo para sa AFP Medical Center, pagbibigay ng mga kagamitan sa mga ito sa ilalim ng AFP modernization program at pagiikot sa buong bansa para bisitahin ang lahat ng kampo ng Militar.