Manila, Philippines – Isinusulong ni Surigao del Norte Rep.Robert Ace Barbers ang pagbibigay ng iba pang ground para sa annulment ng mga mag-asawang hindi na maayos ang pagsasama.
Sa oras na maisabatas ang House Bill 1062 na inihain ni Barbers, ituturing na sapat na ground para sa annulment ang 5 years of actual separation o limang taon na hindi na pagsasama ng mag-asawa.
Sa ganitong paraan ay hindi na mahihirapan sa epekto ng failed marriages ang mga estranged couples at mas mapapadali na ang paghihiwalay.
Hindi na rin mahihirapan na patunayan ng mag-asawa kung bakit nila kailangang maghiwalay dahil ang limang taon na aktwal na hindi pagsasama ay ituturing na sapat nang dahilan.
Ang gagawin lamang ng mag-asawa ay kumuha ng affidavit sa mga kamag-anak na magpapatotoo na limang taon na silang hiwalay.