PABAKASYON NG PANGULO | Mga babaeng dating miyembro ng NPA, ililibre ni Pangulong Duterte ng biyahe sa Hong Kong

Manila, Philippines – Tulad ng mga babaeng sundalo at pulis na nakipagbakbakan sa Marawi City ay ipadadala din ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong ang mga babaeng dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa pamahalaan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pakikipagsalo-salo sa mahigit 200 dating miyembro ng NPA ay sinabi nito na ang mga babae sa kanilang hanay ay bibigyan niya ng libreng biyahe sa Hong Kong.

Nabatid na 48 ang mga babae na nasa malacanang ngayon na pinangakuan ng Pangulo ng biyahe sa Hong Kong at lalabas ng China para makita ng mga ito ang pagkakaiba ng komunista at pagiging kapitalista.


Pero hindi naman pinangakuan ni Pangulong Duterte ng biyahe ang mga lalaking dating NPA pero una na rin naman itong nangako na bibigyan sila ng trabaho at kabuhayan.

Facebook Comments