Bilang ng casualty dahil sa bagyong ursula, 41 na!

228

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula

Sa pinakahuling datos na inilabas ng ndrrmc ngayong araw, 41 na ang naitalang patay habang 12 ang nawawala.


Pinakamaraming casualty ay mula sa Western Visayas na nasa 20.

Nasa 399,242 pamilya o katumbas ng 1,633,611 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 2,044 barangay sa Mimaropa, Caraga, Western, Central at Eastern Visayas Regions.

Nananatili pa rin sa 529 evacuation centers ang nasa higit 24-libong pamilya.

Facebook Comments