KINALAMPAG | Allowance at benepisyo ng mga guro, hiniling sa CHED na ibigay na

Manila, Philippines – Kinalampag ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang Commission on Higher Education (CHED) na ibigay na ang nararapat na allowance at benepisyo para sa mga guro na apektado ng K-12 transition.

Ayon kay Siao, marami na siyang natatanggap na reklamo maski sa kanyang distrito na hindi pa naiibigay ng CHED ang kanilang buwanang allowance.

Ilan na ring mga faculty teachers ang nasa ilalim ng training sa UP at La Salle pero nahihirapan dahil sa pagkaantala ng kanilang pera.


May mga teacher-beneficiary na aniya ang nagreklamo at dumulog na sa Malacañang para humingi ng tulong.

Dahil dito ay hiniling din ni Siao ag agad na pagsasagawa ng imbestigasyon ng Kamara para alamin bakit naantala ang allowance ng mga guro at sino ang dapat na managot dito.

Facebook Comments