Manila, Philippines – Masisibak sa serbisyo ang babaeng miyembro ng PNP-SAF na nahuling gumagamit ng droga sa taguig nitong Sabado.
Ito ay matapos na magpositibo sa drug test si Police Officer 3 Lynn Tubig.
Iprisenta ni Albayalde sa media kanina sa Camp Crame si PO3 Tubig.
Pangiti ngiti ito at bumubulong na tila kinokontra ang mga sinasbi ng PNP Chief.
Si PO3 Tubig ay naaresto habang nag pa-pot session kasama ang kanyang nobyo na si John Vincent German at tatay nito na si Fernando German
Sinabi naman ni Albayalde na magsilbing paalala sana sa lahat ng mga pulis ang pagkakaaresto kay Tubig upang maging matinong pulis.
Facebook Comments