MAY BALAK? | PNP Chief Ronald Dela Rosa, inamin tinutukso siya ng ilang mambabatas na tumakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm elections

121

Manila, Philippines – Inamin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na tinutukso na siya ng ilang pulitiko na tumakbo sa pagkasenador sa 2019 midterm election.

Ayon kay Dela Rosa, ilang mambabatas mula sa Kamara at Senado ang hinihimok siyang tumakbo.

Pero hindi kinumpirma ni Dela Rosa kung tinanggap o tinanggihan niya ang alok.

Pero iginiit ni Dela Rosa, gagawin lamang niya ito kung may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, mukhang malabo pa aniya lalo at inatasan siya ng Pangulo na gampanan ang kanyang tungkulin sa PNP.

Facebook Comments