Manila, Philippines – Nilinaw ni Agriculture Secretary Manny Piñol na mananatili pa rin ang mandato ng National Food Authority (NFA) partikular sa pagpapalakas ng rice prucurement nito.
Ginawa ni Piñol ang pahayag kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan na ng Department of Agriculture ang apat na ahensya na dating nasa ilalim ng NFA Council.
Tiniyak din ni Piñol na tutulungan nila ang NFA na makapamili ng palay sa mga magsasaka.
Magkakaloob din sila ng mga pang agrikulturang makinarya na magpapabilis na maproseso ang kanilang mga produkto.
Kasabay nito, sinabi ni Piñol na nangako ang mga rice traders na makikipagtulungan sila sa NFA hanggat hindi pa naidedeliver ang mga imported na bigas.
Magpapadala aniya sila ng 300,000 bags ng bigas sa Metro Manila na maaring maibenta sa presyong 39 pesos per kilo.