Manila, Philippines – Tiniyak ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na mananagot sa batas ang mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga kaya at maingat ang kanilang pagsasagawa ng case build up para matiyak na hindi makalulusot sa batas ang mga sangkot dito.
Sa ginanap na Presscon sa tanggapan ng PDEA sinabi ni Aquino na hinikayat ng ahensiya ang publiko na huwag matakot na isumbong ang mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga.
Layon ng pagpapalabas ng mga listahan ay upang malaman ng mga botante kung sinu sino ang kanilang karapat dapat na iboto na mga barangay opisyal.
Paliwanag naman ni Department of Internal and Local Government (DILG) Officer In Charge Eduardo Año na mag po-provide din sila ng protection and security pero dapat aniyang patunayan ng mga sangkot na hindi siya protektor ng ilegal na droga.
Dagdag pa ng opisyal na bibigyan din nila ng kopya ang COMELEC at nasa COMELEC na kung ilalathala ang mga barangay opisyal na sangkot sa ilegal na droga.
Masusi nilang binusisi ang listahan dahil maraming mga sangkot na patay na, ang iba naman ay naaresto, at ang iba ay doble ang mga pangalan kaya maingat ang pdea sa pagpapalabas ng mga listahan upang hindi rin masira ang imahe ng mga barangay. opisyal kung hindi sila sangkot sa ilegal na droga.