SISIGURADUHIN | DFA, tiniyak ang tulong sa naulilang pamilya ng isang Pinay student na kinidnap at pinatay sa Ireland

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng 24-anyos Filipina accountancy student na kinidnap at kalaunay natuklasang wala ng buhay sa Dublin, Ireland.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nakikiramay ang ahensya sa pagkawala ni Jastine Valdez.

Sinabi pa nito na patuloy na nakikipag ugnayan ang embahada sa London maging ang honorary consulate sa Dublin sa mga otoridad doon para sa development ng kaso ni Valdez.


Tiniyak naman ni Cayetano na ibibigay ang lahat ng maaring itulong sa pamilya ng biktima.

Matatandaang Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima matapos ang isinagawang massive search ng local police.

Linggo nang huling makita si Valdez at dukutin ito ng isang 40-anyos na lalaki.

Matapos masundan ang suspek agad itong binaril ng mga otoridad na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Facebook Comments