SISIGURADUHIN | Grupo ng mga relihiyoso sa bansa, nangakong babantayan ang rehabilitasyon sa Isla ng Boracay

Tiniyak ng grupo ng mga relihiyoso sa bansa na susubaybayan nito ang nangyayaring rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Ginawa ni Sr Cris Lucero ng Association of Major Religious in the Philippines ang pahayag kasabay ng pagsisimula ng Salakyag o Sakay, Lakad at Layag ng grupong Philippine Misereor Partnership na may layuning kondenahin ang patuloy na pagkasira ng kalikasan dahil sa mga minahan at paninira sa kagubatan.

Ayon kay Sr Lucero, magbabantay sila sa maaring nakatagong agenda sa pagpapatag ng bundok at planong pagtatayo ng casino sa pamosong isla.


Hinikayat din nila ang mga residente sa lugar na ibahagi ang mga nakakalap nilang datos sa isla.

Nagsisimula ang salakyag o sakay, lakad at layag ng grupong Philippine Misereor Partnership or PMP sa Zamboanga at magtatapos sa Maynila.

Kabilang sa mga lugar na binisita nila ay may mga minahan tulad na lamang sa Ipil at Cagayan de oro, Dipolog at Quezon, Nothern Samar, Butuan, Surigao, Eastern Damar at Lapu lapu na pawang may mga illegal logging at large scale minning.

Facebook Comments