Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magiging patas sila sa pagtatakda ng pasahe para sa mga Transport Network Company (TNC).
Ito ay matapos lagdaan ng Department of Transportation (DOTr) ang department order na nag-bibigay ng kapangyarihan sa LTFRB na magtakda ng pasahe para sa mga TNC.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ire-review nila ang fair structure ng mga TNC na nag-o-operate sa bansa.
Aniya, hihimayin nila ang base fare per kilometer at time rate charges ng mga TNC at hahapin ang pagkakapareho ng mga ito at kung saan magiging patas sa pasahe para sa pasahero, operator at driver.
Sabi naman Lizada na magtatakda sila ng mga konsultasyon at public hearing sa pagtatakda ng pasahe.
Bagaman wala pang inilalabas na kopya ng bagong kautusan ang DOTr, tiniyak ng Grab Philippines na susunod sila sa ano mang patakarang itatakda ng gobyerno.