NANLABAN | Isang drug suspect, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Gumaca, Quezon

21

Quezon Province – Patay ang isang drug suspect matapos na manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa Barangay Progreso, Gumaca, Quezon.

Nakilala ang nasawi na si Alberto Lee, 58-anyos.

Sa ulat, biglang nagpaputok ang suspek kasama ang isa nitong tauhan kay at napilitan ang mga otoridad na gumanti na nagresulta sa pagkamatay ni Lee.

Nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang tauhan ni Lee kung saan nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang baril, mga bala at labing isang sachet ng shabu.

Facebook Comments