SISIGURADUHIN | Malacañang, tiniyak na masesertipikahang urgent ang panukalang BBL

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang nasesertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago mag-adjourn ang kongreso sa Mayo 30.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi inaantala ng Pangulo ang pag-sertipika bilang urgent bill sa BBL kundi nais lamang nito na masiguro na magkatugma ang bersyon ng Kamara at Senado.

Aniya, buo ang suporta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) maging ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa BBL.


Giit ni Roque, inclusive ang isinusulong na BBL dahil kalahok ang lahat ng sektor at kinunsulta ang mga Lumad at naging miyembro pa ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Umaasa ang palasyo na maipapasa ng dalawang kapulungan ng kongreso ang BBL bago ang May 30.

Facebook Comments