SISIGURADUHIN | Malacañang, tiniyak na sapat ang supply ng commercial rice sa kabila ng mababang supply ng NFA rice sa bansa

Manila, Philippines – Pinawi ng Malacañang ang pangambang ubos na ang suplay ng NFA rice sa Luzon.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Mernado Guevarra, bagaman mababa ang suplay ng NFA, sapat naman ang suplay ng commercial rice.

Sabi naman ni Assistant Secretary Jonas George Soriano, tagapagsalita ng office of the secretary to the cabinet, nasa apat hanggang limang porsiyento lang ng kabuuang rice supply sa bansa ang NFA rice.


Kaya kung mabawasan aniya ng limang porsiyento ang supply ng bigas sa merkado, hindi nito maaapektuhan ang presyuhan ng bigas.

Nagsimula na rin aniyang magdatingan ang bahagi ng mahigit 700,000 metric tons na imported na bigas sa ilalim ng minimum access volume kung saan mga pribadong rice traders ang nag-angkat ng bigas.

Facebook Comments