SISIGURADUHIN | Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawalin, handang harapin ang mga kasong posibleng isampa sa kanya

Manila, Philippines – Tiniyak ni Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling na nakahanda siyang harapin ang mga posibleng kaso isampa laban sa kaniya.

Ito ay sa gitna nang imbestigasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa alokasyong P1 bilyon environmental fees na kinolekta sa nakalipas na sampung taon mula sa mga turistang bumibisita sa Boracay.

Ayon kay Cawaling, inihahanda na niya ang mga dokumento para sa rehabilitasyon ng isla at ayaw niyang makasuhan dahil gusto niyang malinis ang kaniyang pangalan bago siya umalis sa pulitika.


Una nang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon isara ng anim na buwan ang Boracay simula April 26 para i-rehabilitate ito.

Facebook Comments