SISIGURADUHIN | Mga kawani ng DOH CALABARZON, isinalang sa drug test

Manila, Philippines – Isinalang sa random drug test ang mga kawani ng Department of Health – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na nasa punong tanggapan sa Quirino Memorial Medical Center Compound sa Project 4, Quezon City.

Ayon kay DOH Regional Director Eduardo Janairo, masama ang epekto nang paggamit ng ilegal na droga sa pagtratrabaho ng mga kawani dahil kadalasang dahilan ito nang madalas na late na pagpasok o pagliban sa trabaho at aksidente.

Pinaliwanag ni Janairo sa mga kawani na ang random drug test, sa pamamagitan ng pagsusuri sa urine o ihi, ang pinakamabisang paraan upang makatiyak na ligtas ang mga trabador sa lugar ng pinagtratrabahuhan.


Ang pagsasagawa ng random drug test sa tinatayang 300 na kawani ay alinsunod sa itinatadha ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Katuwang ng DOH – CALABARZON Regional Office, ang Dangerous Drug Board, ang National Research Laboratory, ang Dangerous Drugs Abuse & Prevention & Treatment Program sa nasabing aktibidad.

Facebook Comments